Tuesday, May 5, 2009

'Wag Basahin ang Blog na 'to (Read Me Not or Else...)

Sinabi nang huwag basahin e. Bahala nga kayo. Badtrip naman. *Walk-out*

LOL. LMAO. ROFL. Kayo naman, hindi na mabiro. Pagpasensyahan niyo na ang aking pagiging pilyo. Minsan lang naman to. Syempre, super excited at happy kasi ako dahil matapos ang tatlong taon ng pagpupuyat, sa wakas, natapos ko na ang aking nobela na sigurado akong pagpapasa-pasahan ng ilang henerasyon. Naman. Si Jose Rizal ata to. Pero bago ang aking pagyayabang, kailangan ko munang makaisip ng isang magandang pamagat para sa aking nobela. Ano ang saysay ng isang magandang nobela kung hindi naman catchy ang pamagat nito, pagtitiyagaan pa ba tong basahin ng mga kapwa ko Filipino, malalaman ba nilang para sa kanila ang ginawa ko?

Ano ba yan, parang ang emo ko na naman. Ikekwento ko na nga lang muna kung paano ko naman naisipang gawin tong nobelang to. Sa totoo niyan, nainspire ako noong mabasa ko ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe. Kung hindi niyo alam (malamang hindi dahil ako lamang ang magaling), ang akdang ito ay tumalakay sa kasaysayan ng mga Negrong alipin sa kamay ng mga Amerikano. Ipinakita dito ang mga pang-aalipusta ng mga puti sa itim. Nang mabasa ko ang akdang ito, parang it rang a bell, parang may thought bubble na lumabas sa ibabaw ng aking ulo, naalala ko ang kapalarang sinapit ng mga mahal kong kababayan sa kamay ng mga alibughong Kastila.

Noon nga, inisip ko na ipasulatpa sa ibang mga kaibigan at kababayan ko ang bawat bahagi ng nobela pero naisip ko, medyo imposible ata iyong iniisip kong iyon. Bukod sa wala akong masyadong tiwala sa kanila, e mahirap talaga yun, baka hindi rin nila gusto magsulat, isipin nila, ang jologs nung ideya ko. Kaya sa huli, sinarili ko na lang ang paggawa ng nobela, tutal, kaya ko naman.

Tigil na nga itong delaying tactics ko, kailangan ko na talaga makaisip ng magandang pamagat. Ano kaya ang maganda? *Isip isip* Ay. Ang saya talaga ng nangyari kanina, hindi ko talaga malilimutan iyon. *blushes* Ano ba. Umayos ka nga. Kailangan mo na talaga mag-isip dyan. Oo nga, eto na o. *Isip isip*


***Despues de unos minutos***


Pasensya na at kailangan kong maglog-out muna. Hindi talaga ko makaconcentrate, lalo na’t nakikita kong online siya sa YM ko. Hindi ako makapagpigil. Pero ayun nga, nakaisip na ko ng magandang pamagat para sa aking akda. NOLI ME TANGERE. Ang ganda, ‘di ba? Parang intelektwal na intelektwal. Sa totoo niyan, maraming bagay ako na isinaisip bago ako makarating sa desisyon na yan. Makikita niyo nga sa scribbles ko ang iba pang mga pamagat na naisip ko para sa aking nobela. Pasensya na kung malabo ang kopya, cam pic lang kasi yan dahil ayaw gumana ng scanner ko. Ayun nga, inisip ko muna kung ano ang iisipin nang iba kapag nabasa nila ang pamagat ng akda ko. Ang gusto ko kasi ay iyong mapapaisip sila kung ano ba ang nais iparating sa kanila ng aking akda.

Ito yung mga naisip ko na maiisip nila (assumero mode):

- Isa itong pakiusap na tigilan na ng mga Espanyol ang pang-aabuso sa mga Pilipino, na hayaan na lang nila tayo. Medyo mababaw ito, pero ano magagawa natin, may mga tao talagang ganito mag-isip.

- Para sa mga medyo mas may alam, mapapansin nila na hango ito sa isang berso sa bibliya, sa partikular, John 20:17. Hindi masyadong natalakay kung ano ang ibig sabihin talaga nito. Pero may magandang interpretasyon si St. St. John Chrysostom, isang Obispo sa Antioch noong ika-4 hanggang ika-5 siglo, ukol dito. Sinabi niya na noong binanggit ito ni Kristo, humihingi siya ng respeto at tila bagang sinasabi niang “Approach Me not as ye did before, for matters are not in the same state, nor shall I henceforth be with you in the same way." Kaya nga Juan Crisostomo Ibarra ang ipinangalan ko sa bida ng aking nobela dahil tulad niya, si St. John din ay pinupuna ang gobyerno at ang simbahan sa mga maling gawain nito.

At kung nagtataka kayo kung ano naman ang nasa isip ko kaya ‘Noli Me Tangere’ ang naisip ko na ibigay na pamagat sa aking akda, secret na malupet ko na yun! Pero sige na nga, dahil friendsters naman tayong lahat, sasabihin ko na. Sa totoo niyan, narinig ko lang ang katagang yan mula sa labas ng aking kuwarto na isinigaw ng isang lalaki na tila may kaaway. Malakas na malakas, hanggang sa pahina na nang pahina, hanggang sa marinig ko na lamang ay hagikgikan ng mga bading. FTW!




- Jose P. Rizal







_______________________________________
Marie Antonette C. Roxas
Special thanks to Nicole B. San Juan



No comments:

Post a Comment