Sinama-sama pa ako sa mga kaguluhang ito. Paran
O kaya, nagmamakaawa effect?
Pangit e. O kaya naman...
Mahal ko ang Pilipinas. Mamamatay ako para sa Inang Bayan nang nakaharap sa sinag ng araw; nakaharap sa mga Pilipinong kawal na bumaril ng balang Kastila- balang tumagos sa aking dibdib (o kaya sa spinal column, pero haharap pa din ako)- biglaang pinahimbing ang aking puso. Iisipin nilang nakitil na ng tuluyan ang nag-aalab na puso ng pagbabago ngunit magkakamali sila...
... dahil ako si Rizal. Ako ang.. "The One".
Puwede.
"The One" who
FUEGO!
*Boogsh*
Tapo slow-motion na babagsak sa lupa, nasisinagan ng araw ang aking "well-chiseled face". Ang pagtatapos ang panimula.
PALAKPAKAN.
Siguradong sigurado na 'to, mga katoto. Badtrip si Andres Bonifacio, e, no? Napabilis tuloy ang pagkamatay ko. Balak ko sanang tirahin ang katauhan na "old wise man". Kaya nga balak ko pang tumakas noon. Pero, sige, ayos na din. Akala niyo, a! Ako ata ang nagsulat ng Oprah's Bestseller na Noli me Tangere at El Filibusterismo at nagawa ko ito nang walang "plot" sa utak, habang litong-lito ang pag-iisip kung ano nga ba ang nararapat para sa Pilipinas. Ang pagkamatay ko sa kamay ng mga Kastila ang pinakasaktong pangwakas.
Madaming iiyak, madaming magagalit, madaming matutuwa pero tiyak na patuloy akong mabubuhay sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Punong-puno ng excitement ang aking nararamdaman.
Nako!
Kailangan ko pa lang maensayo ang pagharap sa araw kapag ako'y babarilin.
'Eto na, mga katoto!
Kita-kita sa Bagumbayan!
- Jose P. Rizal.
P.S.
Attached picture: Heto ang paborito kong letratong maaaring isama sa mga librong gagawin tungkol sa akin. Maraming salamat.
---------
Marion P. Causing
Hi165
QUOTE: "The One" who started the revolution
ReplyDeleteRizal, kapatid, ako ang nagsimula ng rebolusyon! Wag ka ngang masyadong sakim. Yun na nga lang ang maaalala ng mga tao sa akin e. Hindi ako namatay na tulad mong kulang na lang ay fireworks tapos buo pa ang mukha.
Kung tutuusin, hindi ka nga kasama sa rebolusyon e.Tumakas ka pa nga diba? Tinanong ka kung gusto mo sumama at ayaw mo. Sabi mo hindi tayo handa, sabi mo kulang sa ganyan, kulang sa ganoon, sa kahit saan na lang. Andaming reklamo- typical Rizal!
Inspired, puwede pa.
- Andres Bonifacio
Hahaha..Astig tong site na to ah..
ReplyDeleteUy tuloy lang po!
Astig to panalo!