Saturday, May 16, 2009

Interesadong maging bayani? read this:-)

Malapit na akong mamatay, nararamdaman ko. Hindi na gumagana ng tama ang aking utak. Kahit anong gawin ko, hanggang ganito na lang ang kaya kong isulat.

Mga Alituntunin sa Pagiging Pambansang Bayani

1. Una sa lahat, kailangan ikaw ay galing sa malaking pamilya. Bilang ng kapatid, sa sampu ay hindi bababa.

2. Pangalawa nama'y habang bata pa, dapat ika'y makapagsulat na ng sariling tula. Sa tulong ng mapagmahal na ina, magagawang nasyonalismo ang tema.

3. Upang masabi ring bayani ngang tunay, kailangang maraming talento kang taglay --- magsulat, magsalita ng iba't ibang wika, magpinta't magpakadalubhasa sa medisina.

4.-5. Pang-apat naman ay magsuot ng amerikana upang matago ang maliit mong balikat. Ito ay kailangan para makakuha ng maraming nobya, na siyang ating panlima.

6. Isa ring kailangan ay dapat maniwala na madaan lahat sa kapayapaan. Hindi ka dapat sumali sa rebolusyon, magsulat ka na lang ng nobela mo.

7. Ngunit ang pinakaimportante sa lahat upang mukha'y di malimutan ng bayan, kailangang magpakuha ng maraming larawan, at mukha'y dapat maayos tingnan hanggang kamatayan.

Adios!

No comments:

Post a Comment