Saturday, May 9, 2009

Ang Dapat sa San Diego...

Teka muna.

Ano nga ba ang nararapat sa San Diego?





Malapit na ako sa kahuli-hulihang parte ng aking librong Noli Me Tangere at sakalukuyang hinaharap ko ang isang matatawag nating "dilemma" (Yes naman). Sa mga makata, ang isang "rule of thumb" ay "begin with the end in mind". Hindi puwedeng bara-bara lang. Kailangan maganda ang pagkakasama-sama ng mga pangyayari sa kuwento. Kailangang magaling. Kailangang nakaka-WOW, JOSE, IDOL, papunas ng pawis mo sabay hihimatayin tapos sasaluhin ko at kikindat.

Ngunit, dahil ako si Jose Protacio Rizal (maaring maglabas ng papel at ballpen at pakitandaan ang pangalan), hindi ko kailangang sundin ang "rule of thumb".

Kanina pa ako nakaupo sa harap ng mesa, hawak ang aking "feather pen" at papel. Malapit nang matuyo ang tinta ngunit hindi ko pa din talaga mahugot sa kalalim-laliman ng aking utak ang sagot sa tanong na: Ano nga ba ang nararapat sa San Diego?

Ano nga ba ang nararapat sa Pilipinas?


Isang Ibarra? O Isang Elias?


Si Ibarra na ilustrado, may mga idealismo tungkol sa Filipinas o si Elias na maka-rebolusyon at ninanais ang kumpletong pagkalaya mula sa mga Kastila. Hm. Hindi naman maaaring dalawang ideya ang parehong mabubuhay- dahil walang punto ang kuwento at walang Ummpf factor.


Unti-unti nang nakikita ang pagkabulok ng San Diego, bawat sulok ay nabubunyag. Saan nga ba patungo ang mga idealismo ni Ibarra? Mayroong nangyayari na ba? May naiiba na ba? Nagdadagsaan na ang mga tulisan. Baka kailangan ngang ngayon na. May punto si Elias, sa sakit ng lipunan, hindi na ata sapat ang pagtatawanan ang mga paring Kastila sa kanilang supot na pamamalakad. Hindi na ata sapat ang pang-aasar naming mga ilustrado. Kailangan na ng totoong pagbabago.


YES NAMAN.


Yun ang banat.



Ang Dapat sa San Diego... Ay isang rebolusyon- ay ang katauhan ni Elias.


Tama! Si Elias ang mabubuhay.






Pero, teka, kailangang magaling. Kailangang nakaka-WOW, JOSE, IDOL. At kailangan, guwapo pa din ang bida. Tipong ilustrado, maganda ang buhok, madaming nagkakagusto.

Elias sa katauhan ni Ibarra.

"Ang Dapat sa San Diego..." FUEGO!
At may mamatay na isa upang protektahan ang isa. Kamatayan na ikamumulat ng mata ng totoy na binatang si Ibarra.

Patay na nga ang Reform Movement.
Mabubuhay ang Rebolusyon ngunit sa isang bagong katauhan.

At para malaman ang katauhang ito...


BUMILI na ng aking ikalawang libro, EL FILIBUSTERISMO. Available in all National Book Stores.


-Jose P. Rizal


------

Marion Causing
Hi165

No comments:

Post a Comment