Nakakagulat kaninang umaga.
Naisulat ko nga rito sa kinagigiliwan kong BLOGSPOT ang tungkol sa bagumbago kong laptop. Habang binubutingting ko 'to kanina, napadpad ako sa aking Yahoo Mail. Parang binista ako ng mga multo ng nakaraan! Laking gulat ko ng nakita ko ang isang email ng nakaraan kong pag-ibig na itatago ko na lang sa pangalang Leonor Valenzuela.
Bakit nga ba multo?
Upang maintindihan ninyo, eto ang isang kwento.
[Cue music: Thinking of You- Katy Perry]
Scene: Ateneo times
Comparisons are easily done once you had a taste of perfection.
Jose: Ang saya, Segunda! Maglaro tayo sa tubigan
Segunda: Sige, Jose! Tara!
(slow motion basaan)
Like an apple hanging from a tree
I picked the ripest one
I still got a seed
Segunda: Ang sarap naman nitong hamburger!
Jose: Uh... may catsup ka sa pisngi.
Segunda: (Punas-punas) Meron pa ba?
Jose: Ah. Ako na, (kukuha ng tissue, pupunasan ang gilid ng bibig)
Segunda: (Ngingiti) Salamat, Jose!
Jose: (Ngingiti, bibilis ang takbo ng puso)
Jose: Segunda, may sorpresa ako sa'yo (hawak-hawak ang regalo sa likod, nakangiti)
Segunda: Ha, e, hinihintay na ako ni Manuel, Jose. Ikakasal na ako mamaya at madami pang gagawin. Maaari bang bukas na lang?
Jose: (Mawawala ang ngiti) Sige, bukas na lang.
You said move on
Where do I go
I guess second best
Is all I will know
Kadalasan, ang lahat ng mga "una" halos nagkakasabay lalo na sa larangan ng pag-ibig. Unang paghawak ng kamay ng isang babae, unang pag-akyat ng ligaw, unang tulang isinulat upang ialay sa nililigawan, unang oo, kauna-unahang pagbilis ng takbo ng puso, unang pag-ibig, at unang halik.
Ang unang pag-ibig at unang halik ay madalas na nangyayari ng sabay, sa iisang babae. Ngunit, hindi ganoon ang nangyari sa akin.
Umalis na nga si Segunda at nagpakasal kay Manuel. Napakalaking kakulangan ang naramdaman ko sa aking puso na hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang pag-ibig ko. Nagpaka-emo ako ng onting araw lang naman at naglibot sa Pagsanjan kung saan ko nakilala si Leonor Valenzuela. Matangkad na babae, kabaligtaran ni Segunda. Naniniwala ako na mababago niya ang anyo ng aking puso.
Masaya kami ni Leonor. Pasulat-sulat ako ng mga liham na may markang nakikita lamang sa ilalim ng init ng kandila tapos pakipot-kipot siya ng kaunti. Nangyari ito hangga't papunta na ako sa Espanya.
Isang gabi yoon, kung aking naaalalang tama.
Sa bandang kagubatan, umiiyak si Leonor na ako'y tutungo na. Nagkaroon din naman kami ng intindihan kahit papaano. Buong-buo ang buwan. Saktong-sakto sa mga romantikong librong nabasa ko. Naririnig pa sa 'di kalayuan ang tunog ng mga pakpak ng milliong crickets kasabay ang pag-kokak ng mga palaka.
Saktong kilig lang.
Ako ata ang nauna.
Pero, sa halik na yoon, isang imahe lang ang pumasok sa isipan ko.
"Ano kaya kung si Segunda 'to?"
She kissed my lips
I taste your mouth
She pulled me in
I was disgusted with myself.
Isang multo. Isang bagay na hanggang ngayon ay pinipilit guluhin ang isip ko.
How do I get better
Once I've had the best
You said there's
Tons of fish in the water
So the water's I will test
Pero, ayos lang din na hindi ko nasabi kung tutuusin. Kung sakaling nasabi ko, baka hindi ko na nakilala ang labing tatlong babaeng sumunod pa. ;)
Currently listening to: Thinking of You- Katy Perry.
- J. Rizal
-------
Marion Causing
Sunday, April 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment