¡Hola! Me llamo Señor Jose P. Rizal. Soy filipino.
Hallo! Ich heiße Jose P. Rizal. Ich komme aus Philippinen.
Nagtataka siguro kayo kung ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa itaas ano? Ganyan ako magpapakilala gamit ang salitang Espanyol at Aleman. Pupunta kasi akong Europa kaya kailangan kong sanayin ang aking sariling magsalita na gamit ang mga wika nila. Siyempre marami pa silang ibang wika ngunit uunahin ko na lang ang dalawang nabanggit sapagkat sa tingin ko ay mas mahalaga ang mga iyan. At aaralin ko rin naman iyong iba pagkatapos kong mag-empake.
Sige, ibabahagi ko na lang muna sa inyo ang mga dadalhin ko papuntang Europa:
Unang-una, kailangan kong magdala ng mapa. Baka kasi mawala ako doon. Dayuhan pa naman ako sa lugar na iyon.
Pangalawa, dadalhin ko ang aking camera, laptop at aking mga kagamitang pangsining. Siyempre, kailangan ko ang camera upang makunan ko ng picture ang mga tanawin doon. Ang aking laptop naman ay para makapagsulat ako ng mga blog ko at upang makakonekta pa rin ako sa internet at makapag-e-mail ako sa pamilya ko, mga kaibigan at pati na rin kay Ferdinand (Blumentritt). Kailangan ko rin ang aking mga kagamitang pangsining para makapagpinta ako atbp. kung sakaling ako ay ma-bore na. Magandang ideya siguro ang ipinta ang aking sariling portrait tapos ang nasa background ay mga magagandang babae, este, magagandang tanawin. (vain!)
Pangatlo naman ay siyempre ang aking mga damit at mga personal na kagamitan. Kailangan akong magmukhang magandang lalaki (macho!) sapagkat sa pagkakaalam ko, maraming mga magagandang chicas sa Europa. Sana naman maraming makipagkilala sa akin. At sana ay may dalawa, o sige na, kahit isa man lang na mapaibig ko.
Dadalhin ko rin pala siyempre ang aking coat, hat at ang aking suitcase. Hindi ko dapat makalimutan ang mga ito sapagkat hindi makukumpleto ang the Jose Rizal get-up kung wala ang mga iyan.
May nakalimutan pa ba ako? Itext niyo na lang ako ha? Sige hanggang dito na lang muna. Hanggang sa muli!
Adiós.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment