Monday, May 18, 2009

One Song.... GLORY!

Paano ba? Galit effect?

#$%#&!%# na Andres Bonifacio yan!
Sinama-sama pa ako sa mga kaguluhang ito. Paran
g @^^&@$%@!$! Walang modo. Hindi marunong umintindi. Ano ba ibig sabihin ng ayaw ko, ha?

O kaya, nagmamakaawa effect?

Wala akong kasalanan, mga kapatid ko! Hindi ko kilala si Andres Bonifacio! Wala akong tali sa Katipunan. Red hot pants? HELLO?

Pangit e. O kaya naman...

Mahal ko ang Pilipinas. Mamamatay ako para sa Inang Bayan nang nakaharap sa sinag ng araw; nakaharap sa mga Pilipinong kawal na bumaril ng balang Kastila- balang tumagos sa aking dibdib (o kaya sa spinal column, pero haharap pa din ako)- biglaang pinahimbing ang aking puso. Iisipin nilang nakitil na ng tuluyan ang nag-aalab na puso ng pagbabago ngunit magkakamali sila...

... dahil ako si Rizal. Ako ang.. "The One".

Puwede.

"The One" who started (oo sige na, Andres) inspired the revolution. Sa akin magsisimula ang pag-aalab ng mga puso ng kapwa Pilipino.

FUEGO!
*Boogsh*
Tapo slow-motion na babagsak sa lupa, nasisinagan ng araw ang aking "well-chiseled face". Ang pagtatapos ang panimula.


PALAKPAKAN.


Siguradong sigurado na 'to, mga katoto. Badtrip si Andres Bonifacio, e, no? Napabilis tuloy ang pagkamatay ko. Balak ko sanang tirahin ang katauhan na "old wise man". Kaya nga balak ko pang tumakas noon. Pero, sige, ayos na din. Akala niyo, a! Ako ata ang nagsulat ng Oprah's Bestseller na Noli me Tangere at El Filibusterismo at nagawa ko ito nang walang "plot" sa utak, habang litong-lito ang pag-iisip kung ano nga ba ang nararapat para sa Pilipinas. Ang pagkamatay ko sa kamay ng mga Kastila ang pinakasaktong pangwakas.

Madaming iiyak, madaming magagalit, madaming matutuwa pero tiyak na patuloy akong mabubuhay sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Punong-puno ng excitement ang aking nararamdaman.

Nako!

Kailangan ko pa lang maensayo ang pagharap sa araw kapag ako'y babarilin.

'Eto na, mga katoto!

Kita-kita sa Bagumbayan!

- Jose P. Rizal.


P.S.
Attached picture: Heto ang paborito kong letratong maaaring isama sa mga librong gagawin tungkol sa akin. Maraming salamat.



---------

Marion P. Causing
Hi165

Saturday, May 16, 2009

Interesadong maging bayani? read this:-)

Malapit na akong mamatay, nararamdaman ko. Hindi na gumagana ng tama ang aking utak. Kahit anong gawin ko, hanggang ganito na lang ang kaya kong isulat.

Mga Alituntunin sa Pagiging Pambansang Bayani

1. Una sa lahat, kailangan ikaw ay galing sa malaking pamilya. Bilang ng kapatid, sa sampu ay hindi bababa.

2. Pangalawa nama'y habang bata pa, dapat ika'y makapagsulat na ng sariling tula. Sa tulong ng mapagmahal na ina, magagawang nasyonalismo ang tema.

3. Upang masabi ring bayani ngang tunay, kailangang maraming talento kang taglay --- magsulat, magsalita ng iba't ibang wika, magpinta't magpakadalubhasa sa medisina.

4.-5. Pang-apat naman ay magsuot ng amerikana upang matago ang maliit mong balikat. Ito ay kailangan para makakuha ng maraming nobya, na siyang ating panlima.

6. Isa ring kailangan ay dapat maniwala na madaan lahat sa kapayapaan. Hindi ka dapat sumali sa rebolusyon, magsulat ka na lang ng nobela mo.

7. Ngunit ang pinakaimportante sa lahat upang mukha'y di malimutan ng bayan, kailangang magpakuha ng maraming larawan, at mukha'y dapat maayos tingnan hanggang kamatayan.

Adios!

Thursday, May 14, 2009

“Where are you going you little naughty, naughty boy?”

Ipatatapon nila ako sa Dapitan?!


Voy a ir a Dapitan. I’m going to Dapitan!


O hindi!


Paano na ang maliligayang araw ko?

Paano na ang mga naggagandahang dilag?


Hindiiiiiiii……


Ano ang ipakakain nila sa akin doon?

Nilagang itlog?


Kailangan nang magpakasaya.

Makapunta nga sa mamahaling restawran.


Sa restaurant…


Rizal: ¡Camarero! ¡Por favor!

Camarero: Sí, un momento. ¿Qué va a tomar?

Hmmm… Ipatatapon nila ako sa Dapitan. D-A-P-I-T-A-N

D – Dorada a la Yerbabuena

A – Abanico de carabineros y espárragos

P – Paella

I – Intxaursalsa

T – Tortilla de patatas

A – Acelgas Rehogadas

Rizal: Yo quiero una dorada a la yerbabuena, un abanico de carabineros y espárragos, una paella, una intxaursalsa, una tortilla de patatas y unas acelgas rehogadas.

Camarero: ¿Quieren alguna natillas de chocolate?

Ay wala pa palang N

Rizal: Pues sí.

Camarero: Muy bien.

[…]

Camarero: Aquí tienen.

Rizal: Gracias.



- J. P. Rizal




______________

Darlene S. Madlangbayan

Wednesday, May 13, 2009

Tinola

Gabi ng ika-29 ng Disyembre, 1896. Malamig ang simoy ng hangin. Habang ang lahat ay naghahanda para sa paparating na bagong taon, narito ako sa Fort Santiago—nakakulong at babarilin sa Luneta sa salang sedisyon. Takot na takot ang mga mananakop sa mga pag-aalsang maaaring magdikta ng kanilang pagkapalis kaya kahit akong hindi kasangkot sa KKK, nadawit at handang ipapatay nang walang basehan. Nakakalungkot. Nakakabugnot. Waring luhang dumadampi sa aking mga pisngi ang hamog ngayong dapit-hapon. Waring tuluyan nang namamaalam ang mga dahong kumakaway sa hampas ng nanununot-sa-butong hangin. Waring nagngangalit ang mapulang ulap sa panggagahaman [ng mga Kastila] sa mga anak ng bayan.

Kanina lamang, dumating dito ang isang guwardiya-sibil upang itanong sa akin kung ano ang nais kong kainin sa hapunan. Tutal naman daw ay huling gabi na ito ng aking buhay, sagot na ng kanilang pinuno ang anumang naisin kong kanin. Hmm… Ano nga kaya ang masarap kainin kapag ganito kalamig? Ah, alam ko na! Iyong may masarap at mainit na sabaw!

Tinola? Pwede! Oo, tinola nga. Ah, teka, gagawa ako ng liham para sa pinuno ng mga guwardiya-sibil. Huling pagkakataon ko na ito upang ipamukha sa kanya ang mga kalabisang ginagawa nila sa akin at sa Fiipinas. Buti na lamang at pinayagan nila akong magkaroon ng suplay ng papel at panulat rito. Baka mawalan ako ng bait kung hindi ko maipahayag ang aking saloobin kung pati ang mga bagay na tulad nito ay ipagkakait pa nila. Mga tampalasan.

At ito ang daloy ng aking sulat:

G. Guwardiya-Sibil,

Narito ang isang kahingian mula sa isang anak ng bayan na inyong nilapastangan. Nais ko sanang hingin bilang hapunan ang isang kaldero ng masarap, mainit at puro-lamang tinola. Maaaring itinatanong ninyo kung bakit. Kung mapapansin ninyo sa aking akdang Noli me Tangere, ginamit ko rin ang tinola sa isang pagtitipon. At sinadya kong ibigay sa karakter ni Padre Damaso ang pakpak ng manok. Pakpak, mga paa, at leeg ang bagay na napupunta sa mga katulad niyang ganid. Katulad ninyo. Bukod sa mga bahaging walang laman, ang nararapat sa mga katulad ninyo’y masabaw at walang lasang tinola. Puro kayo salita at pangangaral, wala naman kayong naidudulot na maganda sa AMING bayan. Bagkus, pulos pagpapahirap at sakit ang ibinibigay sa amin. Bagay rin sa inyo ang malamig na tinola. Wala kayong pag-aalab na paunlarin ang Espanya sapagkat ginagawa ninyo ang mga patakarang pang-ekonomiya para rin lamang sa inyong sariling interes.

Kaming mga itinuring ninyong alipin, kami ang nararapat magtamasa ng masarap, malaman, mainit na pagkain sapagkat bunga ng aming mga pagtitiyaga ang kung anumang kapangyarihan at kayamanang tinatamasa ninyo ngayon. May pagmamahal kami sa Inang Bayan at iniisip namin ang kapakanan ng bawat isa. Pinilipilit namin [lalo ng ng aming samahan sa Propaganda] na gawing patas ang pagtingin ninyo sa amin, subalit pinipili ng mga sukab na paris ninyo ang manggamit at magkapasasa sa yamang hindi naman inyo….

Kaya para sa aking huling hapunan, nais kong ipagluto mo ako ng tinola. Masarap, malinamnam, malaman, at mainit na tinola. At sa pagkain, iisipin kong kayo ang manok na kinakain ko: mga kunwaring palaban subalit sa loob ay duwag naman.




--J. P. Rizal


*****

ambag ni:
VALENTON, Tresa M.

Tuesday, May 12, 2009

I am gay!

Naaalala ko noong aking kabataan, lagi kaming nag-aaway ng nanay ko dahil sa bintanang ayaw kong iwanang bukas sa gabi. Pinipilit niya lagi na kailangan ko daw itong buksan dahil hindi ako makakahinga at maaari pa kong mamatay kung makulong ang hangin sa aking silid. Hindi ko ito matanggap dahil masyadong malaki ang aking kwarto upang makulong ang hangin at isa pa, nakakatakot kayang iwan ang bintanang nakabukas, paano kung may makita akong aswang, scary kaya yun! Pero dahil mabuti akong anak, sinunod ko si inay kahit nagngingitngit ang aking damdamin. Ang nakakainis pa dun, hanggang sa aking pagtanda ay para bang hindi ko na kayang hindi bukas ang aking bintana, bukod sa naoOC na talaga ko, ayokong mamatay ng ganun-ganun na lang. Anong kwentang bayani ang mamatay dahil sa suffocation? Ang weak naman non. Paano na ang madramang wakas sa buhay ng isang Jose Rizal?

Inis na inis talaga ko tuwing gabi dahil sa tunggaliang nagaganap sa pagitan ko at ng aking sarili. To close or not to close the window, that is the question. Ang ending, iiwanan kong bukas ang bintana kahit na galit na galit ko. Kapag naman kasi nakasara, hindi ako matulog. Pero nakakatakot talaga pag bukas, mamaya may pumasok pa at ma-rape ako. Gaaaaah! (Hmm, mukhang masaya naman kung may pasok at ma-rape ako. Basta ba malaki ang katawan niya e. Hahaha!)

Speaking of pagpasok sa bintanang bukas, eto na nga ang dahilan kung bakit napablog ako bigla. Hindi ko kailanman ikinasiya ang desisyon kong buksan ang bintana hanggang sa isang araw, “Jose, Jose, gising pare!” Kalaliman ng gabi iyon nang marinig ko ang mga katagang ito, natatakot at the same time excited akong buksan ang aking mga mata dahil baka eto na yung hinihintay, este, kinatatakutan kong pagkakataon na may mang-rape sa akin. Pagbukas ng aking mata, nakita ko sa aking ibabaw ang isang lalaki, hindi kagwapuhan pero matipuno naman. “Sinooo kaaaaa?” Ito na lamang ang aking nasabi. “Ako si Andres Bonifacio, Andy na lang, o kaya Boni, or you can just call me yours.” Andres Bonifacio. Parang narinig ko na ang pangalan na yun. Tama. Siya nga daw yung hot na lider ng Katipunan. Ang swerte ko naman!. Pinilit kong palalimin ng husto ang aking boses at nagtanong, “O bakit pare, anong sadya mo dito.” Hindi siya sumagot, tumitig lamang siya sa aking mga mata. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang hinang-hina ako. Kaya naman pala. “Pare, ouch. Ang bigat mo.” Walang hiyang Andres to, nag-enjoy ata sa posisyon naming dalawa. Pero infairness, feel na feel ko ang naglalakihan niyang muscles. Humingi siya ng paumanhin at kailangan daw niyang pumwesto nang ganun upang hindi ako makasigaw dahil malalaman ng iba na nandun siya.

Umayos siya ng posisyon at magkatabi kaming naupo sa gilid ng aking kama. Ano kaya ang ipinunta ng lalaking ito dito? Baka nainggit siya dahil cool ako, baka hihingi siya ng ng beauty tips o baka balak pa niya kong gawing stylist niya. “Pare, come, join us.” Napatulala lamang ako sakanya habang hinihintay ang mga sunod na sasabihin niya. “Sali ka na sa Katipunan. Kailangan ka namin dun.” Eeeeww. Ako? Katipunan. Hindi ako bagay dun. Madudumihan lang ako, magagalusan. Paano na ang flawless kong kutis? Magagalit na naman ang derma ko. Tapos, ayoko pa sa hide-out nila. Ayoko sa masikip, maputik, mabaho. Naman Andres. Kadiri ka talaga. “Maganda ang aming layunin, kalayaan para sa Filipinas. Alam ko, yan din ang nais mo. Kaya kita pinuntahan. Alam kong ikaw ang makakatulong sa amin.” Che! Ang plastic nitong taong to, hindi naman kami magkakilala. “Pasensya ka na Andy, hindi ako marunong makipag-away. Saka hindi lang naman sa dahas natin makukuha ang minimithi nating kalayaan.” Awww. Nakita ko ang mukha ni Andy, lumong-lumo siya. Ngunit, muli siyang nabuhayan. “Maaari ka pa rin namang makatulong kahit hindi ka makipaglaban. Matalino ka at mayaman.” Balak pa ata akong gawing sugar daddy nito. Nako. Pero why not, hot naman siya. “Sige, pag-iisipan ko.” Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot sa kanya kaya yan na lang ang sinabi ko. “YEY. Rizal FTW.” Aba, loko talaga tong si Andres, feeling close forever.

Hinatid ko siya sa bintanang kanyang dinaanan papasok, nagpaalam siya at bumeso pa. Muli, nagpalitan na naman kami ng malalagkit na titig. At hindi ko na kailangang ikwento pa ang sumunod na mga nangyari. :D Basta, masaya ako. I am so gay! :D

- Jose P. Rizal



_____________________________
Marie Antonette C. Roxas

Saturday, May 9, 2009

Ang Dapat sa San Diego...

Teka muna.

Ano nga ba ang nararapat sa San Diego?





Malapit na ako sa kahuli-hulihang parte ng aking librong Noli Me Tangere at sakalukuyang hinaharap ko ang isang matatawag nating "dilemma" (Yes naman). Sa mga makata, ang isang "rule of thumb" ay "begin with the end in mind". Hindi puwedeng bara-bara lang. Kailangan maganda ang pagkakasama-sama ng mga pangyayari sa kuwento. Kailangang magaling. Kailangang nakaka-WOW, JOSE, IDOL, papunas ng pawis mo sabay hihimatayin tapos sasaluhin ko at kikindat.

Ngunit, dahil ako si Jose Protacio Rizal (maaring maglabas ng papel at ballpen at pakitandaan ang pangalan), hindi ko kailangang sundin ang "rule of thumb".

Kanina pa ako nakaupo sa harap ng mesa, hawak ang aking "feather pen" at papel. Malapit nang matuyo ang tinta ngunit hindi ko pa din talaga mahugot sa kalalim-laliman ng aking utak ang sagot sa tanong na: Ano nga ba ang nararapat sa San Diego?

Ano nga ba ang nararapat sa Pilipinas?


Isang Ibarra? O Isang Elias?


Si Ibarra na ilustrado, may mga idealismo tungkol sa Filipinas o si Elias na maka-rebolusyon at ninanais ang kumpletong pagkalaya mula sa mga Kastila. Hm. Hindi naman maaaring dalawang ideya ang parehong mabubuhay- dahil walang punto ang kuwento at walang Ummpf factor.


Unti-unti nang nakikita ang pagkabulok ng San Diego, bawat sulok ay nabubunyag. Saan nga ba patungo ang mga idealismo ni Ibarra? Mayroong nangyayari na ba? May naiiba na ba? Nagdadagsaan na ang mga tulisan. Baka kailangan ngang ngayon na. May punto si Elias, sa sakit ng lipunan, hindi na ata sapat ang pagtatawanan ang mga paring Kastila sa kanilang supot na pamamalakad. Hindi na ata sapat ang pang-aasar naming mga ilustrado. Kailangan na ng totoong pagbabago.


YES NAMAN.


Yun ang banat.



Ang Dapat sa San Diego... Ay isang rebolusyon- ay ang katauhan ni Elias.


Tama! Si Elias ang mabubuhay.






Pero, teka, kailangang magaling. Kailangang nakaka-WOW, JOSE, IDOL. At kailangan, guwapo pa din ang bida. Tipong ilustrado, maganda ang buhok, madaming nagkakagusto.

Elias sa katauhan ni Ibarra.

"Ang Dapat sa San Diego..." FUEGO!
At may mamatay na isa upang protektahan ang isa. Kamatayan na ikamumulat ng mata ng totoy na binatang si Ibarra.

Patay na nga ang Reform Movement.
Mabubuhay ang Rebolusyon ngunit sa isang bagong katauhan.

At para malaman ang katauhang ito...


BUMILI na ng aking ikalawang libro, EL FILIBUSTERISMO. Available in all National Book Stores.


-Jose P. Rizal


------

Marion Causing
Hi165

Barong Shmalong

YM status

rizalj09 - Feeling slightly better. Out shopping. Back later, leave a message.


As soon as I return, I shall write again. I'm feeling quite insecure about my looks. :( Nyay. Abanagan ang pag-iinarte ni Pepe mamaya.


I am back.

Last time, I blogged about the Influenza and how I spent many days recovering from the illness. It was terrible... I don't quite like the feeling of being helpless. The time wasted could have been used for planning a revolution against the Spaniards or some other big thing like that. :(

One thing that I was able to get from my many days of boredom was seen through the person staring back at me everyday from the 10 feet oak cabinet. He walked with a natural gait until he came to a stop just in front of me. His stance betrayed no insecurity or uncertainty in his purpose. He looked like a man so sure of his ideas of this world. There was much going on for him, that was sure... for not many people who felt bad about themselves would be able to be so certain of his own existence. He ran his fingers once through his smooth hair. No, it was not arrogant at all. He simply exuded an aura of respect, that man. And yet, the look in his eyes betrayed the unsatisfaction this man felt.

I sat down in front of my mirror and continued to stare at my reflection. This time, my eyes stayed on my face. I have to admit, I wasn't exactly what the girls would call, hot. I knew that women wanted me for my wit, my brains. On my appearances though... I am average. Not so special. Sometimes even ugly. Yeah, I think it's more of that last one. Hai. :( On most days my physical appearance isn't of utmost importance to me, but then there are times I could not help but remember my insecurities about my looks. Compared to the many beautiful looking people I've met, I was just dirt. Huhu. The Spanish are really good looking, so are the Europeans. This is also why I'm quite hesitant to put my picture up in friendster. I only put the few good ones...

When I finally recovered from the Influenza, I really wanted to do some shopping. Today was just another day for this. I am going home to the Philippines (Calamba) in a few days so I might as well bring home some of the good stuff. I guess this is just my coping mechanism for my insecurities. But I do have to say, it is quite enjoyable to pick out outfits that are of the latest fashion. What's even more rewarding is the respect or awe that comes with it (through other people's responses). Ahh. I guess it is a bit shallow. But I did realize that looks could be important too. It's something we could not simply look over. Who said this was only for women? Aye no, we men have to take care of our appearances too.


Dr. Maximo Viola has been accompanying me on these trips around Europe. It's been fun. He also went with me to the shops for mens clothing. We searched through coats, frocks, jackets, trousers, tophats, ties... it was quite tedious, really. I was later on able to buy this three piece layering which was called a Ditto Suit (picture). It had a sack coat, with a matching waistcoat/vest and finally the trousers. I chose black so that it's a classic piece. I also bought a tophat to match.

I even went to the town's barbershop. They seemed eager to fix my 'plain hair'. The guy who worked on me told me that in Hollywood, this was the fashionable hairstyle. They created waves on my hair and parted it a different way. I decided to trust the local barber on his judgment. Who knows, it might catch on in the Philippines. Anyway, it made me look neat so I gave him an extra tip before I left.

I should really say, doing something this light is good from time to time. Plus it makes people feel good. Now that I do feel better about myself, I would spend a few more days here... probably do more shopping in between, among other activities... before I head back to my homeland.



Wait for me, Filipinas.


Ciao!

J.Rizal
---------------------------------------------------------
Darlene Haw

Friday, May 8, 2009

Spanish Fever a.k.a. Influenza


Too sick to write. Will get back to you when I'm feeling better.

-----
PC Magnaye | Hi165-G

My Wedding Plans

under construction pa din!

Thursday, May 7, 2009

The Aliens are coming! -Chapter 1-


Eons ago, in an unnamed land, the fawn skinned tribes lived semi-harmoniously in their own little circles. Following the basic laws of the land, they took on various roles to aid their people. Some went out to hunt, cooked, took care the children, planted various forms of vegetation, and even channeled the spirits of the earth.

Although they were somewhat primitive, they upheld the balance of nature. Following tradition, they've payed tribute to the spirits of the earth and honored their roots as the children of the Strong One and the Untold Beauty.

Over time they slowly evolved. From traveling the lands in search of food, they finally settled down and produced their own share. Living in a relatively patriarchal society, the men usually did the arduous tasks while the women assumed the role of child rearing and medical practice.

These fawn skinned tribes lived like this for quite some time.

One day, as they were fishing along coastal areas, a strange brown contraption was seen floating towards them from the serenity of the sea. Although they were frightened by this strange new sight, they stood their ground. As these contraptions drew closer, the fawn skinned people prepared themselves, a spear on one hand, a stone in the other. As the waters met with the sand, the contraptions stopped, and like magic, strange beings emerged. Covered in shiny hard looking skin, they approached. Unlike anything they've seen before, these creatures had unusually shaped heads that soon opened up to reveal a face that was still different. It had hazel eyes and a face of pale complexion. Those creatures had noses that were as sharp as freshly carved stone and chins that were covered in fur.

As some of them stood only a few feet away from the fawn skinned people, what seemed to be the leader spoke its alien dialect.

"Hola."
______________________________________________
Paolo Banaga

Wednesday, May 6, 2009

eto na lang basahin mo :-)

Magandang araw! Nais ko lang ibahagi sa iyo ang aking acceptance speech noong ako ay pinarangalan ng Pulitzer Prize. Naaalala ko ang gabing iyon. Sobrang saya ang aking naramdaman at ako ay maluha-luha na. Speechless talaga ako, pero medyo mahaba rin ang aking nasabi noon haha.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagb igay niya sa akin ng talino at talento sa pagsulat. Salamat sa Kanya sa napakalaking biyayang ito na Kanyang ibinigay. Lahat ng aking tagumpay ay aking iniaalay sa Kanya.
Pangalawa ay sa aking pamilya, na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa aking mga magulang at mga kapatid, sa kanilang mga payo at pagmamahal. Wala siguro ako ngayon dito kung hindi dahil sa kanila.
Kay Josephine, na isa sa mga naging inspirasyon ko para magsulat. Mahal kita.
Sa mga Pilipino, sa mga Maria Clara, na hanggang ngayon ay kinakawawa at inaapi ng mga Kastila at mga prayle, ngunit lumalaban at nagpapakatatag pa rin. Kayo ang nagtulak sa akin at naging inspirasyon ko upang lumaban at magsulat. Hindi ako titigil hanggang hindi natin nakakamit ang ating kalayaan.
Mabuhay ang Pilipinas! Kalayaan para sa mga Pilipino!


Sana ay nainspire ka sa speech kong ito. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Malapit na nating makamit ang kalayaan.

¡Adios!

Tuesday, May 5, 2009

Dahil Cool Ako...


Kanina habang naglalaro ng billiard si Miong, habang naglalaro ng PSP si Andres at habang nagpapaka-emo si Ninoy, nakikinig naman ako sa mga girly songs sa aking iPod. Naka-shuffle ang playlist ko at tumambad sa aking pandinig ang kanta ni Taylor Swift na Love Story…


Hmm… Pwede… Konting pagbabago lang…


We were both young when I first saw you.

I close my eyes and the flashback starts:

I'm standing there on an azotea in summer air.


See the lights, see the party, the saya.

See you make your way through the crowd

and say hello;


Little did I know

That you were Ibarra; you were throwing pebbles,

And my daddy said, "Stay away from Maria Clara."

And I was crying on the azotea,

begging you, 'Please, don't go.'"


And I said,

" Ibarra, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting; all there's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story - baby just say 'Yes.'"


So I sneak out to the garden to see you.

We keep quiet 'cause we're dead if they knew.

So close your eyes; escape this town for a little while.


'Cause you were Ibarra, I was a scarlet letter,

And my daddy said "Stay away from Maria Clara,"

But you were everything to me

I was begging you, 'Please, don't go,'"


And I said,

" Ibarra, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting; all there's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story - baby just say 'Yes.'


Ibarra save me - they're trying to tell me how to feel;

This love is difficult, but it's real.

Don't be afraid; we'll make it out of this mess.

It's a love story - baby just say "Yes.'"


[…]


I got tired of waiting,

Wondering if you were ever comin' around.

My faith in you was fading

When I met you on the outskirts of town,


And I said,

" Ibarra save me - I've been feeling so alone.

I keep waiting for you but you never come.

Is this in my head? I don't know what to think-"


He knelt to the ground and pulled out a ring and said,

"Marry me, Maria Clara - you'll never have to be alone.

I love you and that's all I really know.

I talked to your dad - go pick out a white dress;

Ako si Linares - baby just say 'Yes.'"




-J.P.R.




____________

Darlene S. Madlangbayan

'Wag Basahin ang Blog na 'to (Read Me Not or Else...)

Sinabi nang huwag basahin e. Bahala nga kayo. Badtrip naman. *Walk-out*

LOL. LMAO. ROFL. Kayo naman, hindi na mabiro. Pagpasensyahan niyo na ang aking pagiging pilyo. Minsan lang naman to. Syempre, super excited at happy kasi ako dahil matapos ang tatlong taon ng pagpupuyat, sa wakas, natapos ko na ang aking nobela na sigurado akong pagpapasa-pasahan ng ilang henerasyon. Naman. Si Jose Rizal ata to. Pero bago ang aking pagyayabang, kailangan ko munang makaisip ng isang magandang pamagat para sa aking nobela. Ano ang saysay ng isang magandang nobela kung hindi naman catchy ang pamagat nito, pagtitiyagaan pa ba tong basahin ng mga kapwa ko Filipino, malalaman ba nilang para sa kanila ang ginawa ko?

Ano ba yan, parang ang emo ko na naman. Ikekwento ko na nga lang muna kung paano ko naman naisipang gawin tong nobelang to. Sa totoo niyan, nainspire ako noong mabasa ko ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe. Kung hindi niyo alam (malamang hindi dahil ako lamang ang magaling), ang akdang ito ay tumalakay sa kasaysayan ng mga Negrong alipin sa kamay ng mga Amerikano. Ipinakita dito ang mga pang-aalipusta ng mga puti sa itim. Nang mabasa ko ang akdang ito, parang it rang a bell, parang may thought bubble na lumabas sa ibabaw ng aking ulo, naalala ko ang kapalarang sinapit ng mga mahal kong kababayan sa kamay ng mga alibughong Kastila.

Noon nga, inisip ko na ipasulatpa sa ibang mga kaibigan at kababayan ko ang bawat bahagi ng nobela pero naisip ko, medyo imposible ata iyong iniisip kong iyon. Bukod sa wala akong masyadong tiwala sa kanila, e mahirap talaga yun, baka hindi rin nila gusto magsulat, isipin nila, ang jologs nung ideya ko. Kaya sa huli, sinarili ko na lang ang paggawa ng nobela, tutal, kaya ko naman.

Tigil na nga itong delaying tactics ko, kailangan ko na talaga makaisip ng magandang pamagat. Ano kaya ang maganda? *Isip isip* Ay. Ang saya talaga ng nangyari kanina, hindi ko talaga malilimutan iyon. *blushes* Ano ba. Umayos ka nga. Kailangan mo na talaga mag-isip dyan. Oo nga, eto na o. *Isip isip*


***Despues de unos minutos***


Pasensya na at kailangan kong maglog-out muna. Hindi talaga ko makaconcentrate, lalo na’t nakikita kong online siya sa YM ko. Hindi ako makapagpigil. Pero ayun nga, nakaisip na ko ng magandang pamagat para sa aking akda. NOLI ME TANGERE. Ang ganda, ‘di ba? Parang intelektwal na intelektwal. Sa totoo niyan, maraming bagay ako na isinaisip bago ako makarating sa desisyon na yan. Makikita niyo nga sa scribbles ko ang iba pang mga pamagat na naisip ko para sa aking nobela. Pasensya na kung malabo ang kopya, cam pic lang kasi yan dahil ayaw gumana ng scanner ko. Ayun nga, inisip ko muna kung ano ang iisipin nang iba kapag nabasa nila ang pamagat ng akda ko. Ang gusto ko kasi ay iyong mapapaisip sila kung ano ba ang nais iparating sa kanila ng aking akda.

Ito yung mga naisip ko na maiisip nila (assumero mode):

- Isa itong pakiusap na tigilan na ng mga Espanyol ang pang-aabuso sa mga Pilipino, na hayaan na lang nila tayo. Medyo mababaw ito, pero ano magagawa natin, may mga tao talagang ganito mag-isip.

- Para sa mga medyo mas may alam, mapapansin nila na hango ito sa isang berso sa bibliya, sa partikular, John 20:17. Hindi masyadong natalakay kung ano ang ibig sabihin talaga nito. Pero may magandang interpretasyon si St. St. John Chrysostom, isang Obispo sa Antioch noong ika-4 hanggang ika-5 siglo, ukol dito. Sinabi niya na noong binanggit ito ni Kristo, humihingi siya ng respeto at tila bagang sinasabi niang “Approach Me not as ye did before, for matters are not in the same state, nor shall I henceforth be with you in the same way." Kaya nga Juan Crisostomo Ibarra ang ipinangalan ko sa bida ng aking nobela dahil tulad niya, si St. John din ay pinupuna ang gobyerno at ang simbahan sa mga maling gawain nito.

At kung nagtataka kayo kung ano naman ang nasa isip ko kaya ‘Noli Me Tangere’ ang naisip ko na ibigay na pamagat sa aking akda, secret na malupet ko na yun! Pero sige na nga, dahil friendsters naman tayong lahat, sasabihin ko na. Sa totoo niyan, narinig ko lang ang katagang yan mula sa labas ng aking kuwarto na isinigaw ng isang lalaki na tila may kaaway. Malakas na malakas, hanggang sa pahina na nang pahina, hanggang sa marinig ko na lamang ay hagikgikan ng mga bading. FTW!




- Jose P. Rizal







_______________________________________
Marie Antonette C. Roxas
Special thanks to Nicole B. San Juan