Friday, May 8, 2009

Spanish Fever a.k.a. Influenza


Too sick to write. Will get back to you when I'm feeling better.

-----
PC Magnaye | Hi165-G

My Wedding Plans

under construction pa din!

Thursday, May 7, 2009

The Aliens are coming! -Chapter 1-


Eons ago, in an unnamed land, the fawn skinned tribes lived semi-harmoniously in their own little circles. Following the basic laws of the land, they took on various roles to aid their people. Some went out to hunt, cooked, took care the children, planted various forms of vegetation, and even channeled the spirits of the earth.

Although they were somewhat primitive, they upheld the balance of nature. Following tradition, they've payed tribute to the spirits of the earth and honored their roots as the children of the Strong One and the Untold Beauty.

Over time they slowly evolved. From traveling the lands in search of food, they finally settled down and produced their own share. Living in a relatively patriarchal society, the men usually did the arduous tasks while the women assumed the role of child rearing and medical practice.

These fawn skinned tribes lived like this for quite some time.

One day, as they were fishing along coastal areas, a strange brown contraption was seen floating towards them from the serenity of the sea. Although they were frightened by this strange new sight, they stood their ground. As these contraptions drew closer, the fawn skinned people prepared themselves, a spear on one hand, a stone in the other. As the waters met with the sand, the contraptions stopped, and like magic, strange beings emerged. Covered in shiny hard looking skin, they approached. Unlike anything they've seen before, these creatures had unusually shaped heads that soon opened up to reveal a face that was still different. It had hazel eyes and a face of pale complexion. Those creatures had noses that were as sharp as freshly carved stone and chins that were covered in fur.

As some of them stood only a few feet away from the fawn skinned people, what seemed to be the leader spoke its alien dialect.

"Hola."
______________________________________________
Paolo Banaga

Wednesday, May 6, 2009

eto na lang basahin mo :-)

Magandang araw! Nais ko lang ibahagi sa iyo ang aking acceptance speech noong ako ay pinarangalan ng Pulitzer Prize. Naaalala ko ang gabing iyon. Sobrang saya ang aking naramdaman at ako ay maluha-luha na. Speechless talaga ako, pero medyo mahaba rin ang aking nasabi noon haha.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagb igay niya sa akin ng talino at talento sa pagsulat. Salamat sa Kanya sa napakalaking biyayang ito na Kanyang ibinigay. Lahat ng aking tagumpay ay aking iniaalay sa Kanya.
Pangalawa ay sa aking pamilya, na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa aking mga magulang at mga kapatid, sa kanilang mga payo at pagmamahal. Wala siguro ako ngayon dito kung hindi dahil sa kanila.
Kay Josephine, na isa sa mga naging inspirasyon ko para magsulat. Mahal kita.
Sa mga Pilipino, sa mga Maria Clara, na hanggang ngayon ay kinakawawa at inaapi ng mga Kastila at mga prayle, ngunit lumalaban at nagpapakatatag pa rin. Kayo ang nagtulak sa akin at naging inspirasyon ko upang lumaban at magsulat. Hindi ako titigil hanggang hindi natin nakakamit ang ating kalayaan.
Mabuhay ang Pilipinas! Kalayaan para sa mga Pilipino!


Sana ay nainspire ka sa speech kong ito. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Malapit na nating makamit ang kalayaan.

¡Adios!

Tuesday, May 5, 2009

Dahil Cool Ako...


Kanina habang naglalaro ng billiard si Miong, habang naglalaro ng PSP si Andres at habang nagpapaka-emo si Ninoy, nakikinig naman ako sa mga girly songs sa aking iPod. Naka-shuffle ang playlist ko at tumambad sa aking pandinig ang kanta ni Taylor Swift na Love Story…


Hmm… Pwede… Konting pagbabago lang…


We were both young when I first saw you.

I close my eyes and the flashback starts:

I'm standing there on an azotea in summer air.


See the lights, see the party, the saya.

See you make your way through the crowd

and say hello;


Little did I know

That you were Ibarra; you were throwing pebbles,

And my daddy said, "Stay away from Maria Clara."

And I was crying on the azotea,

begging you, 'Please, don't go.'"


And I said,

" Ibarra, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting; all there's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story - baby just say 'Yes.'"


So I sneak out to the garden to see you.

We keep quiet 'cause we're dead if they knew.

So close your eyes; escape this town for a little while.


'Cause you were Ibarra, I was a scarlet letter,

And my daddy said "Stay away from Maria Clara,"

But you were everything to me

I was begging you, 'Please, don't go,'"


And I said,

" Ibarra, take me somewhere we can be alone.

I'll be waiting; all there's left to do is run.

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story - baby just say 'Yes.'


Ibarra save me - they're trying to tell me how to feel;

This love is difficult, but it's real.

Don't be afraid; we'll make it out of this mess.

It's a love story - baby just say "Yes.'"


[…]


I got tired of waiting,

Wondering if you were ever comin' around.

My faith in you was fading

When I met you on the outskirts of town,


And I said,

" Ibarra save me - I've been feeling so alone.

I keep waiting for you but you never come.

Is this in my head? I don't know what to think-"


He knelt to the ground and pulled out a ring and said,

"Marry me, Maria Clara - you'll never have to be alone.

I love you and that's all I really know.

I talked to your dad - go pick out a white dress;

Ako si Linares - baby just say 'Yes.'"




-J.P.R.




____________

Darlene S. Madlangbayan

'Wag Basahin ang Blog na 'to (Read Me Not or Else...)

Sinabi nang huwag basahin e. Bahala nga kayo. Badtrip naman. *Walk-out*

LOL. LMAO. ROFL. Kayo naman, hindi na mabiro. Pagpasensyahan niyo na ang aking pagiging pilyo. Minsan lang naman to. Syempre, super excited at happy kasi ako dahil matapos ang tatlong taon ng pagpupuyat, sa wakas, natapos ko na ang aking nobela na sigurado akong pagpapasa-pasahan ng ilang henerasyon. Naman. Si Jose Rizal ata to. Pero bago ang aking pagyayabang, kailangan ko munang makaisip ng isang magandang pamagat para sa aking nobela. Ano ang saysay ng isang magandang nobela kung hindi naman catchy ang pamagat nito, pagtitiyagaan pa ba tong basahin ng mga kapwa ko Filipino, malalaman ba nilang para sa kanila ang ginawa ko?

Ano ba yan, parang ang emo ko na naman. Ikekwento ko na nga lang muna kung paano ko naman naisipang gawin tong nobelang to. Sa totoo niyan, nainspire ako noong mabasa ko ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe. Kung hindi niyo alam (malamang hindi dahil ako lamang ang magaling), ang akdang ito ay tumalakay sa kasaysayan ng mga Negrong alipin sa kamay ng mga Amerikano. Ipinakita dito ang mga pang-aalipusta ng mga puti sa itim. Nang mabasa ko ang akdang ito, parang it rang a bell, parang may thought bubble na lumabas sa ibabaw ng aking ulo, naalala ko ang kapalarang sinapit ng mga mahal kong kababayan sa kamay ng mga alibughong Kastila.

Noon nga, inisip ko na ipasulatpa sa ibang mga kaibigan at kababayan ko ang bawat bahagi ng nobela pero naisip ko, medyo imposible ata iyong iniisip kong iyon. Bukod sa wala akong masyadong tiwala sa kanila, e mahirap talaga yun, baka hindi rin nila gusto magsulat, isipin nila, ang jologs nung ideya ko. Kaya sa huli, sinarili ko na lang ang paggawa ng nobela, tutal, kaya ko naman.

Tigil na nga itong delaying tactics ko, kailangan ko na talaga makaisip ng magandang pamagat. Ano kaya ang maganda? *Isip isip* Ay. Ang saya talaga ng nangyari kanina, hindi ko talaga malilimutan iyon. *blushes* Ano ba. Umayos ka nga. Kailangan mo na talaga mag-isip dyan. Oo nga, eto na o. *Isip isip*


***Despues de unos minutos***


Pasensya na at kailangan kong maglog-out muna. Hindi talaga ko makaconcentrate, lalo na’t nakikita kong online siya sa YM ko. Hindi ako makapagpigil. Pero ayun nga, nakaisip na ko ng magandang pamagat para sa aking akda. NOLI ME TANGERE. Ang ganda, ‘di ba? Parang intelektwal na intelektwal. Sa totoo niyan, maraming bagay ako na isinaisip bago ako makarating sa desisyon na yan. Makikita niyo nga sa scribbles ko ang iba pang mga pamagat na naisip ko para sa aking nobela. Pasensya na kung malabo ang kopya, cam pic lang kasi yan dahil ayaw gumana ng scanner ko. Ayun nga, inisip ko muna kung ano ang iisipin nang iba kapag nabasa nila ang pamagat ng akda ko. Ang gusto ko kasi ay iyong mapapaisip sila kung ano ba ang nais iparating sa kanila ng aking akda.

Ito yung mga naisip ko na maiisip nila (assumero mode):

- Isa itong pakiusap na tigilan na ng mga Espanyol ang pang-aabuso sa mga Pilipino, na hayaan na lang nila tayo. Medyo mababaw ito, pero ano magagawa natin, may mga tao talagang ganito mag-isip.

- Para sa mga medyo mas may alam, mapapansin nila na hango ito sa isang berso sa bibliya, sa partikular, John 20:17. Hindi masyadong natalakay kung ano ang ibig sabihin talaga nito. Pero may magandang interpretasyon si St. St. John Chrysostom, isang Obispo sa Antioch noong ika-4 hanggang ika-5 siglo, ukol dito. Sinabi niya na noong binanggit ito ni Kristo, humihingi siya ng respeto at tila bagang sinasabi niang “Approach Me not as ye did before, for matters are not in the same state, nor shall I henceforth be with you in the same way." Kaya nga Juan Crisostomo Ibarra ang ipinangalan ko sa bida ng aking nobela dahil tulad niya, si St. John din ay pinupuna ang gobyerno at ang simbahan sa mga maling gawain nito.

At kung nagtataka kayo kung ano naman ang nasa isip ko kaya ‘Noli Me Tangere’ ang naisip ko na ibigay na pamagat sa aking akda, secret na malupet ko na yun! Pero sige na nga, dahil friendsters naman tayong lahat, sasabihin ko na. Sa totoo niyan, narinig ko lang ang katagang yan mula sa labas ng aking kuwarto na isinigaw ng isang lalaki na tila may kaaway. Malakas na malakas, hanggang sa pahina na nang pahina, hanggang sa marinig ko na lamang ay hagikgikan ng mga bading. FTW!




- Jose P. Rizal







_______________________________________
Marie Antonette C. Roxas
Special thanks to Nicole B. San Juan