Magandang araw! Nais ko lang ibahagi sa iyo ang aking acceptance speech noong ako ay pinarangalan ng Pulitzer Prize. Naaalala ko ang gabing iyon. Sobrang saya ang aking naramdaman at ako ay maluha-luha na. Speechless talaga ako, pero medyo mahaba rin ang aking nasabi noon haha.
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagb igay niya sa akin ng talino at talento sa pagsulat. Salamat sa Kanya sa napakalaking biyayang ito na Kanyang ibinigay. Lahat ng aking tagumpay ay aking iniaalay sa Kanya.
Pangalawa ay sa aking pamilya, na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa aking mga magulang at mga kapatid, sa kanilang mga payo at pagmamahal. Wala siguro ako ngayon dito kung hindi dahil sa kanila.
Kay Josephine, na isa sa mga naging inspirasyon ko para magsulat. Mahal kita.
Sa mga Pilipino, sa mga Maria Clara, na hanggang ngayon ay kinakawawa at inaapi ng mga Kastila at mga prayle, ngunit lumalaban at nagpapakatatag pa rin. Kayo ang nagtulak sa akin at naging inspirasyon ko upang lumaban at magsulat. Hindi ako titigil hanggang hindi natin nakakamit ang ating kalayaan.
Mabuhay ang Pilipinas! Kalayaan para sa mga Pilipino!
Sana ay nainspire ka sa speech kong ito. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Malapit na nating makamit ang kalayaan.
¡Adios!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment